Saturday, March 29, 2008

INTER-PUROK BASKETBALL LEAGUE ILULUNSAD

Cabuyao– Naglunsad ang Brgy. Sala Cabuyao, Laguna ng kanilang Inter-purok Basketball League, na hinati sa dalawang division midgits at junior na kapwa nilahukan ng mga manlalaro ng bawat purok sa nabanggit na barangay. Sinimulan ang programa sa motorcade na umikot sa boung baran-gay at dinaluhan ng mga koponang kasali sa paliga. Layunin ng programang ito na lalo pang mapagyaman ang angking talento ng bawat kabataang manlalaro sa kanilang barangay. Ang nabangit na torneo ay naisakatuparan sa pamamagitan ng Sanguniang Kabatan sa pangunguna ni Chairman Coco Alimagno at mga konsehales na sina Lady Beltran, Pishing Mangahas, Leo Castillo, Grace Bayle, Ram Go, Doriez Paco at Mia Constantino sa pakikipagtulungan ni Chairman Ting Alimag-no at Sangguniang Ba-rangay. (TOTO SATURNO)

INTER-BARANGAY BASKETBALL LEAGUE

Calamba City – Pormal ng bubuksan ang pinakahihintay na Inter-Barangay Basketball League sa darating na Abril 12, 2008 na gaganapin sa Calamba City Hall Grounds, Brgy. Real Calamba City Laguna. Ang paligang ito ay inaasahang dadaluhan ng bawat barangay ng naturang lungsod. Ang ligang ito ay hinati sa dalawang dibisyon, upland na may 25 koponan at 29 na koponan naman sa lowland. Ang nasabing paliga ay isa sa mga proyekto ng masigasig na Sk President ng Calamba na si Hon. Jane B. Rizal sa pakikipagtulungan ni Hon. Mayor Jun M. Chipeco. Ilan sa napiling pagdausan ng laro ay sa Brgy.7, Brgy. Pansol, Brgy. Barandal, Brgy. Real, Brgy. San Jose at Camp Vicente Lim covered court. Ang bawat laro ay gaganapin tuwing Martes, Huwebes, Sabado at Linggo ng umaga sa mapipiling lugar na mapipiling pagdausan ng laro. Ang bawat magka-kampeon sa sa bawat dibisyon ay magkakaroon ng exhibition game. Inaasahang aabutin ang paliga hanggang Hunyo ng taong ito. (Roy Dimasaca)