Saturday, March 29, 2008

SEN.BONG REVILLA, GUEST SA 1st LAGUNA RIDER'S CONGRESS

LOS BANOS - Maagang nagmotorcade si Senador Ramon Bong Revilla, Jr. sa National Highway ng Laguna at UPLB campus upang pangunahan ang 1St Laguna Motorcycle Riders Congress ’08 nitong lang March 29, 2008.Si Revilla na siyang pangunahing Author ng Senate Bill 1863 o ang mandatory Helmet bill na ganap na nga itong naging batas noong 2007. Layunin ng nasabing batas na maprotektahan ang mga dumaraming motorbike riders na umaabot na ito ngayon sa 3.5 million. Sa talumpati ni Revilla, pinanawagan niya sa mga nagmo-motor na maging responsable sa paggamit ng kalsada at dapat ang kaligtasan nila ang mahalaga. "Ang mahalaga ay dapat responsible tayo pag-nagmamaneho ng motor" ani Revila. Sa inulat ni "Kap" (Revilla) base sa talaan ng Traffic Management Group (TMG), umabot sa 1,364 ang vehicular accident noong taong 2006. 485 dito ay aksidente sa motor at nakakaalarma ang fatalities report nito. Binanggit pa ni Revilla ang ilang mga pangunahing personalidad na namatay bunga ng motorvehicle related accidents na sina Jay Ilagan at Ric Segreto. "Hell meets for those bikers who don’t wear helmets." ang paalala ni "Alyas Pogi" ng Pelikulang Filipino. Kasama rin ni Revilla si Board Member Neil Nocon (2nd District of Laguna) sa motorcade. Sa panayam ng Sulong Sports Kay Nocon hinggil sa layu-nin ng nasabing programa "Safety, kailangan dapat maghelmet," aniya "at para sa tourism potential ng Laguna, kasama dito ang mahigit 2000 riders mula Manila at CALABARZON upang maipakita natin na wala nang typhoid, Laguna is safe, gagawin na ito taun-taon, kailangan tulungan natin ang mga riders at tricycle sa Laguna."
"Maganda naman at least na promote natin ang paggamit ng helmet, most of the accident na kung walang helmet patay talaga. Safety ng mga riders ang no.1 purpose nito." Ayon naman ito kay PCI Bonifacio Bosita ng PRO IV-A TMG.
Inorganisa ng DEVCOM 208 ang nasabing programa sa Baker Hall, na may temang " Mag-ingat sa pagmo-motorsiklo… Umiwas sa MOTORSIRKO." kaagapay ang Globe, Kabalikat CIVICOM, Safety Riders Club of LB, STP-UPLB, Motorcycle Phils. Federation, PNRC - Lag. Chapter, at Prov. Gov’t. of Laguna.
Nakiisa din sa nasabing okasyon ang Administrador ng Laguna na si Dennis S. Lazaro. Sa kanyang talum-pati binanggit niya ang pagkakaroon ng Laguna Tripetype Motorcycle Safety Council na binubuo ng LTO, Municipal at Provincial Government at Private Sector. Layunin nito ang pagsubaybay sa mga problema at gumawa ng mga polisiya sa tamang pagmo-motor at pagpalaganap ng adhikaing maging responsableng motorbike riders. (Jo Busayong/Roy Dimasaca)

No comments: