CALAMBA CITY - Anim na miyembro ng gymnastic team ng Calamba City, Laguna ang nakatakdang magtungo sa bansang Singapore upang lumahok sa Annual International Invitational Gymnastic Tournament ano mang araw ngayong taon upang lumahok sa isang torneo na gaganapin sa nabanggit na bansa. Ang prestihiyosong paligsahan ay lalahukan ng iba’t-ibang bansa sa buong mundo na kung saan magiging daan upang marating ng mga pamosong manlalaro ang Olympiada.
Ang koponang ito ay binubuo ng mga batang mag-aaral mula sa Laguna College of Business and Arts, na pinangungunahan nina Lea Barachina at Jasmin Yu na pawang nanariwa pa sa pagkapanalo ng pitong (7) gintong medalya sa katatapos na STCAA 2008 na ginanap sa Sta. Cruz, Laguna. Sila din ang kakatawan sa Calabarzon region sa Palarong Pambansa na gagawin sa Puerto Princesa City sa Abril 12-19, 2008. Ang iba pang mga manlalaro na tutungo sa Singapore ay sina Franchesca Isabela Bernal, Carla Adonna Claudio, Ruth Mae Elemos, at Michelle Camilo. Sila ay gagabayan ng mga coaches na sina Sharon Uson at Ariel Maranan.
Ang nabanggit na koponan ay buong-pusong sinuportahan ng Punong-Lungsod ng Calamba City na si Mayor Jun Chipeco at tinulungan din ng mga iba’t-ibang pribadong sektor. (BOY GUERRERO/ ROY M. DIMASACA)

No comments:
Post a Comment