Tuesday, March 25, 2008

PANOPIO KAMPEON

CALAMBA CITY – Muli na namang nagpakitang gilas si Rodolfo Panopio Jr. ng masung-kit nito ang kampeonato sa 1st Joe Paradas Chess Tournament na ginanap kamakailan sa Brgy. Bucal Calamba City Laguna. Ang nasabing torneo ay may anim na rounds at sa mga unang bahagi pa lamang ay nagpasiklab na agad ang si Panopio nag magtamo siya ng limang magkakasunod na panalo na nagging daan upang makarating siya sa finals. Siya ang nahirang na kampeon ng magtabla ang kanyang laban kay Arnel Piñero na isa ding mahusay na manlalaro ng chess sa lalawigan ng Laguna, at maitala ang iksor na 5.5 o limang panalo at isang tabla. "Ako ay nagpapasalamat sa Poong Maykapal sa aking pagkapanalo sa Torneong ito at sa mga taong nagtiwala sa aking kakayanan" masayang wika ni Jun matapos tanggapin ang trophy at 4,000 cash na kanyang napanalunan. Ilan pa sa mga nagsipagwagi ay sina: 1st Runner-up Frederick Isip (trophy+-2,000 cash), 2nd Runner-up Richie Jocson (trophy+1000 cash), 3rd Runner-up Ronald Can-son (750 cash) 4th Runner-up Rico Belicina (500 cash), Top Kiddie Carl Angelo Perez (500 cash+medal), Top Junior Christian florin (500 cash+medal) Top lady Irene Rivera (500 cash + medal). (ROY DIMASACA)

No comments: